Tuesday, September 1, 2009

Patawad

Nais ko sana humingi na paumanhin dahil sa mga nasabi ko(di ko alam kung ano yun) lam ko masakit ako magsalita (hirap talgamaging prangka)

gusto kita kausapin ulit. gusto kita kulitin ulit pero di na lang.. ito siguro ang tinatwag na pride.
di ko alam kung ano ang tagalog na katumbas nito..(ano nga ba sa tagalog ang pride) di yung sabon ha..

nakakalungkot isipin na ganito ang nangyari.. sana alam mo na nasabi ko lamang ang aking mga sinabi dahil ay nag alala ako sayo.. o marahil dala na rin ng aking emosyon kaya ako ay nakapag salita ng di nararapat. sana ay maunwaan mo ang aking damdamin ng mga panahon na yun..
ayos na ako ngayon.. siguro nakapag move on na ako..(yata) hindi ako sigurado pero wala din naman mangyayari kung pupursigihin pa kita.. malamang galit na galit ka saken.. at nauunawaan ko naman kung bakit ka galit.. marahil mali ang sinabi ko pero para sa akin yun ay tama.. di ko alam kung bakit pero ang alam ko lamang ay tama ang aking ginawa.

marahil ayaw mo na ako makausap.(halata naman e) sa ngayon ayaw di nkitang makausap.. pero sana pagdating ng panahon makakapag usap din ulit tayo tulad ng dati..

ito ay liham ng isang tao na gustong humingi ng tawad pero ayaw nya gawin.. bagamat dapat ay humingi ako ng tawad.. pinipigilan ako ng aking pride(ano ba kasi tagalog nito?)

kahit siguro kaibigan ayaw mo na rin nun.. nakakairita.. ako'y dismayado sa aking sarili... ang hirap ng ganito.. gusto kong gawin pero di ko magawa.. (kanta yata yun)

alam ko rin di mo mababasa ito.. kasi di ka naman yata nagbabasa ng ganito.. pero kahit dito gusto ko pa rin humingi ng paumanhin sa iyo.. kahit na hindi mo ako mapapatawad.. ayos lang.. kasalanan ko rin naman.. (naks ang drama ko)

hanggang dito nalang ang aking liham..

No comments: