Meron akong kakilala.. pero hindi kami magka kilala sa personal na lebel sapagkat sa chat lamang kami magkakilala. tinanggap nya ang pagsama ko sa kanya bilang isang kaibigan sa facebook or in english.. I added her as a friend and she accepted it. ngayon naman natuklasan ko na inalis na pala ako bilang isang kaibigan..
ang dahilan daw ay seloso daw ang kanyang kasintahan... una sa lahat.. ayos lang ba sa mga babae kung masyadong seloso ang iyong irog? nung ako hindi naman ako seloso.. di naman dahil di ko sya mahal syempre mahal na mahal ko rin sya pero lubos ang pagtitiwala ko sa kanya kaya walang dahilan para ako ay mag selos.. kasintahan mo palang sobra sobra ka na mag selos.. e pano pa kaya kung maging mag asawa na kayo? at saka pakikipag kaibigan lang naman ang aking ninanais.. hindi ko naman sya balak ligawan.. hindi naman kasi ako yung tipong nang aagaw ng babae ng iba...
hirap talaga ng mga lalake na ganun.. masyadong possessive (di ko alam tagalog nyan). Masama ang loob ko dahil sa pangyayari pero sinabi ko nalang good luck sa iyo.. gusto ko rin sana sya maging kaibigan pero wala na ako magagawa.. bagamat walang bahid na karumihan ang aking pakikipag kaibigan sa kanya.. wala na ako magagawa sapagkat ito'y nangyari na.
Nalulungkot ako dahil kahit bilang isang kaibigan di man lang nya ako maipagtanggol sa kanyang kasintahan.
2 comments:
Nakita siguro ng lalake ang kamandag ng iyong apil kaya siya nag selos.
Tungkol naman dun sa hindi nang aagaw, may punto ka, di ka nga nangaagaw, nakikihati lang? Bwahahaha!
-Jan
iba n ksi ang panahon ngayon.. mdaling mgkahulugan ng loob khit n sbhin mo n your intention is pure di mo prin kayang pigilan pg si kupido n ang pumana... bow!
Post a Comment