Monday, September 28, 2009

Nabasa Nyo na ba ito? Di ako makapaniwala.. nag iisip ba sya?



Nabasa nyo na  ba ito?alam ba nya ang kanyang pinagsasabi? aba aba binibini.. maghunos dili ka.. dapat ay pagisipan mo muna ng mabuti ang mga pangyayari.. hindi porket nasa dakong ibayo ka ay may karapatan kanang mag sabi sabi ng ganyan... alam mo bang napakaraming inosenteng tao ang nasalanta ng bagyong ito? ano ang sinasabi mong sinners? eto ang masasabi ko sayo binibini.. KAHIT SAANG LUBALOP KAPA NG DAIGDIG MARAMI ANG MAKASALANAN!! tandan mo yan.. ang mga mumos at ang mga may edad nasalanta din sila.. natural may masasamang tao na napektohan dito pero hindi namansapat yan para sabihin mo na karapat dapat ang nangyari sa kanila.. TAO KA PA BA? MAY UTAK KABA binibining BERMEJO? 

MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO.. IKINAHIHIYA KITA BILANG ISANG PILIPINO.. buti nalang di tayo magkakilala.. dahil prangka akong tao baka mas masahol pa dito ang masabi ko.. Wala akong pamilya sa manila dahil nasa pampanga kami pero naawa ako sa mga nasalanta.. mayaman man sila o mahirap.. dahil hindi madali ang nangyari sa kanila..

Siguro ikaw pinalaki kang wlang problema sa buhay kaya nasasabi mo ang mga bagay na yan.. di ko rin alam kung lasing ka nung mga sandaling sinabi mo ang mga katagang iyan.. pero bilang isang normal na tao makakaramdam ka naman ng awa at lungkot kahit konti man lang..

Naawa ako sayo.. dahil isa ka sa mang mang ng lipunan.. sana sa susunod pag isipan mo muna ng mabuti ang mga sinasabi mo.. 
Ayan nasabi ko na ang gusto ko masabi.. hanggang dito nalang..

patawad sayo binibining Jacque.. sana sa susunod gamitin mo ang iyong utak kahit konti lang din.. 

No comments: